Natapos na ang Anniversary ng Upgrade Youth Hub (Christian ministry ko sa malolos).
Pati spiritual birthday ko natapos na din! 1 year old na ako!!
Nakasama ako sa mga memorable events!
Naging part ako nang buhay ng mga tao.
Tumawa, nakasama, biruan, asaran, inlove-an.
Haaay, it really feels like ngayon pa lang ang new year.
Ang sarap maging kristyano.
(Later na lang ang pictures)
Kaya ito napili ko kasi maganda talaga yung message, bagay sa journey ko.
________________________________________________________
Need to say...
whew. let's get straight to the point.
I really like this girl.
Pero, sabi nga ni Lord true love waits and thanks to Him, madami akong natututunan on this path.
Mas masarap ngang maghintay kesa mag-act agad sa mga emotions and feelings na nararamdaman ko.
Kasi pwede ka naman maghintay kasi nang di ito yung dahilan. Kung baga pwede kang gumawa nang mga bagay na di related about her.
Malaking bagay din yung mga brothers and sisters ko, kasi lagi silang nagpapaalala sakin.
Kaya di ako masyadong nahihirapan.
OO, I admit nahihirapan ako lalo na pag tinamaan ng emotions at feelings. Ang dami kong gustong gawin o sabihin sa kanya pero lagi kong inaalala, "sya na ba talaga? maghintay kaya muna ako?"
Wala naman akong reason para magustuhan sya.
Masaya lang talaga ako pag nakikita, nakakausap, nakakatxt/chat, nakakasama o kahit naiisip lang. Napapangiti nya ako. Kahit minsan weeks or even months bago kami magkita, okay lang napapawi naman lahat yun.
**********************************
(teka short history muna kung pano ko sya nakilala.)
from what I remembered, una ko siyang nakita sa U-hub, siguro mga feb. or march 2011 (nung bago bago pa ako sa U-hub nun) but ever since nun nagandahan ako sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, "uy ayos ah, ganda nya.". Pero di ko pa sya pinapansin nun, kasi ako yung tipo na di gagawa nang first move, pwera na lang kung kinakailangan. Tsaka ang ganda nya kasi kaya nahihiya talaga ako. So dumaan ang 1st year 2nd sem na di ko sya nakakausap ng madalas. Pero mas naging "medyo" close kami nung naging 2nd year na ako. Di ko din alam pero una ko yata siyang nakausap nung sumama ako na maginvite for Overhaul Jam which is kasama si rose nun (kaclose ko na kasi si rose at inutusan ako ni ate roselle), at ang di ko alam sobrang close na pala sila ni jorie. So nahihiya pa rin ako kahit sya na kumakausap sakin, di ko din kasi expected yun. Kaya dumaan ang mga buwan, naguusap na din kami kahit kulitan lang.
*********************************
Di ko din alam pero talagang napipigil ko na magurge na makita sya or mausap sya (kahit online or txt) ng madalas. Pinagpepray ko din kasi sya/kami. Sobrang thankful ako kay Lord dahil tinuturuan nya talaga ako kung pano ihandle yung mga ganitong situation sa buhay pag-ibig ko. =)
Actually di talaga sya yung una kong nagustuhan sa hub, pero interested na din ako sa kanya. Pero thankful ako sa nangyari, kasi kung sakaling gumawa agad ako nang move dati pa baka ang mangyari eh magkailangan kami, which is kadalasang nangyayari at ayokong mangyari.
________________________________________________________
Moments to remember...
May mga times na may ginagawa sya na nakakapagpakilig sakin. Kahit simple lang pero tinatamaan talaga ako. Di ko alam kung randam nya yung kilig pero wala na ako pakialam, basta masaya ako! hahahaha selfish yata?
Kaya etong part na ay puro mga nakaraan na di ko malilimutan.
Recently lang, nung anniv. Hinatid kasi namin ( ako, jorie, rose, at si rox) si rose sa gate pero dapat sa sakayan di lang kasi kami pinalabas nung bagong guards. Masama daw kasi pakiramdam nya kaya kailangan na nyang umuwi that time. Si rose kasi madalas gumagawa nang paraan para magkasama kami ni jorie kahit saglit, at eto yung isa sa mga ways nya. hahahaha, imba, di ba dapat ako yung gumagawa? kaya nagiguilty rin ako. Naihatid na namin si rose and nung pabalik na, nagkaasaran. Hinatak ko kasi si rox, tapos sabi ni rox:
"grabe ka naman makahatak!""sorry na.. di naman ganun kalakas!"
Tapos, di ko na talaga alam kung bakit napunta sa sinabi ni jorie na:
"sige subukan mo!"
Ayun sinubukan ko nga, hinatak ko din sya pero gently lang.
Tapos sabi nya:
"ah ganon."
Tinignan nya ako nang matagal. Ako naman umiiwas. Nahihiya talaga akong tignan sya.
Tapos naglakad na ulit kami, then biglang sabi nya. (as far as I remember)
"bakit ka ba natatakot sakin? wag ka kaya matakot sakin."Binubulong ko sa sarili ko, bakit naman ako matatakot? hahahaha. umaarte lang naman ako na ganun. Para magmukha makulit. Hay kinikilig talaga ako kahit mga ganung usapan lang.
Bibitinin ko itong post na ito. Nawawala na sa isip ko yung mga gusto kong isulat e.
