Sunday, February 26, 2012

Sugar Clichè

My first picture of Clich way back 2010.

Clichè/clich tawag ko sa kanya at eto na din gagamitin ko sa post na ito.
This post will be almost all about her/us.
"He is more than a brother to me." clich's description to me.

______________________________________________________


2/24/2012.


I texted her to have a meet up.
Actually wala sa plano ko yung pagtxt na yun kung natuloy lang kami nang kachurch mate ko na magpunta ng kbcf main di magiging possible.
Gusto ko talaga lumabas nung saturday.
That's why I invited her, not only chich, donah also.
At sinabi ko na din naman kay clich na gusto ko as much as possible KONTI lang muna. Unfortunately, di pede si donah cause she is in laguna.
Then, we (me and clich) decided na kami na lang dalawa.
And the funny thing is, sabi nya, "date tayo?"


Oh well, i can't deny the fact na kinikilig ako that moment.



___________________________________________


(oooops) short history muna)


2 or 3 years ago.


February rin nung nagkakilala kami ni clich.
Pero elementary pa lang kilala ko na sya pero sya di nya ko kilala.
(di ako stalker nya, crush ko na sya ever since.)
Dahil na rin sa ex-gf ko that time kaya ko sya nakilala.
Overwhelmed, na makikilala ko sya that way, na possible palang magkakilala kami.
Eto din ang nakakagulat, medyo nagopen up sya sakin/samin that time.
Eh syempre "listener" type naman ako kaya go lang.


___________________________________________


At dahil dyan lalo tuloy ako naexcite sa muli naming meet-up/date, kahit na last feb 12 lang kami nagkita.


Sabi ko sa isang reply ko sa kanya, "di naman yung itsura mo kailangan ko, yung presence mo lang."
Then sabi nya, "Aww. Kinilig naman ako. :">"
hahaha, malay ko bang nakakakilig pala yun.
naisip ko tuloy, what if i give her a flower. Para naman lalong kiligin.
At sa di ko malamang dahilan NAHULAAN NYA! Pero di ko exactly sinagot kung ano pa magpapakilig sa kanya the day after.
Kahit typical yung flower, alam kong babae pa din sya kaya kikiligin pa din sya.


Masaya ako habang nasa byahe ako at katxt ko sya.
Di ako nabitin sa pagtetxt namin.
I'm more than contented from what happened.


___________________________________________


2/25/2012


Naunahan ko sya sa trinoma (hehehe, sabi na eh).
At sandaling pinagtaguan ko pa sya, di ko din alam kung bakit.
OO nga pala, may list of plans ako sa isip ko that time.

  • Treat her dinner. 
  • I'll sing for her a few lines. x
  • Give her a flower.
  • Have an awesome night. 
Nakalimutan ko na din yung ibang plans kasi di talaga ako magaling sa memorization.
Anyway, we decide to eat at Tokyo Tokyo kasi gusto ko din kumain ng maki! at tyaka para UNLI rice na din.

Madami syang baong kwento, and I thought to myself "ayos to, malelessen ang dull moments." which hate na hate ko at listener type nga ako.
Nagkakatitigan kami habang nagkekwentuhan.
Pero ang di ko maintindihan and I told her too, na may konting ilang akong nararamdaman. 
I think, and reason is, like ko pa din sya UNTIL NOW.
Okay lang kahit mabasa nya to, I'm just trying to be true.
She told me her "boys", and I told her my "girl".
Meron syang mga sinabi na nagustuhan ko, eto yung mga yun:
"ang gusto ko lang naman sa ngayon eh yung naaapreciate ako, gusto ko lang ng attention. yun lang gusto ko sa ngayon."
"pero ayoko mawala yung love mo sakin"
(eto ang di ko magets kung para sakin ba yan o "in general")

Alam kong iba ngiti ko that time, I can feel the difference.

Kung magaling lang ako magkwento at kung di lang siguro ako kinakabahan that night, ang DAMI DAMI namin sigurong pinaguusapan. Pero pagod din kasi sya kaya okay lang. Ayoko na magdemand pa.
___________________________________________


(UGGGHH!! badtrip ang chrome! nagcrash tapos nawala yung part na to!! ERRR!!!kaya uulitin ko...)



The Rose. . .


Naglakad-lakad, ikot-ikot kami after kumain.
Eto na din kasi yung chance ko na maghanap ng flower shop.
Hinanap ko din yung tindahan ng mga lego. Tapos kunwari may hinahanap akong store pero  ang totoo flower shop  talaga.
She decided na magcr, at ako din naman magccr din dahil  sa kaba.
ANG GALING, may nadaanan kaming flower shop, pero di nya ata napansin.
Paglabas nya tsaka ko binigay yung flower.
At eto mga nangyari:


"oh eto na yung flower mo!""wooow, thank you micka!""teka lagay mo muna sa bag mo, nahihiya kasi ako. ayoko nang pinagtitinginan ako. mamaya na lang sa bus ko kukunin.") *clich*"oh sige. oh ayan happy ka na?""oo naman!! teka bakit walang amoy?""(medyo nalungkot) ayy, sorry na oh? di ko naman alam""okay lang..."


(di yan exact na mga words pero parang ganyan nangyari.)


___________________________________________




A ride to home.




So, nasa bus na kami.


"micka, matutulog muna ako ah. Pagod na kasi ako.""suure, go! okay lang."
hmmm, naisip isip ko, wala kaming picture, o wala akong picture nya that nigh. Kaya nagbalak ako magpicture o kahit video nang tulog sya. Alam kong bad, pero nakapagvid ako nang pasimple, pero di rin nakuhanan kaya binura ko na at di na ulit nagtry pa. Tinignan ko na lang sya. Gusto ko sanang pagmasdan sya eh, pero naiilang ako. Gusto ko kase na may mailagay na picture. At nauwi na lang sa tulugan, natulog na din ako kasi nakita ko na mukhang sa san miguel na sya gigising.


At hanggang sa makauwi na kami!


"babye micka, ingat ka. . ."

ughhh,, i suck at remembering things!!
oh well, eto para sayo clich!!!











Friday, February 24, 2012

Attitude, Solitude, Altitude.

w00t, tama na muna kwento about sa mga nangyari sakin. Pagusapan naman natin ang opinyon ko sa mga bagay bagay. Tulad nito:


"My attitude is base on how you treat me."
 Nakita ko yan sa info ni Julie Ann Nicole Chua (search her from facebook). 
PERO makikita nyo din yan sa iba't ibang profile o tagline nang mga tao (especially babae).
Nagtaka lang ako, bakit mo ibabase ugali mo sa ibang tao?
Pede mo pa rin naman gawin ang gusto mo, nasa tao lang naman yan kung "paano ka nila titignan".
Tsaka pakiramdam ko sa line na yan e parang palaban na kaya mo na ang lahat ng tao.
Alam kong may mali sa opinyon ko, naiintindihan kita.
Sabi ko nga nasa tao na yan?  Naisip ko tuloy, dynamic ugali mo, ganun?
DHCP yan? hahahaha. Kung baga parang makikiayon ka sa weather?
Pag malamig magjajacket, pag mainit, magpapalamig?
Haaay lumalayo na ako. Kaya next topic na.


:"Sana ako na lang yung nagkasakit kesa sa anak ko."
Oo alam kong wagas ang pag-ibig ng magulang sa anak.
Pero di is it much better kung alagaan na lang ng mabuti ng magulang ang anak nya at magtrabaho nang maiigi (kung may sakit nga na malubha, o sabihin na natin na may sakit) para sa anak nya.
Sige isipin mo na lang, pano kung yung magulang nga nagkasakit? eh di hindi na makakapagtrabaho, di na nya maalagaan ng mabuti anak nya. Oh ano mas mahirap?


Kung may mga hinanaing kayo, BUKAS ANG COMMENT section. =]
Syempre, maglalagay ulit ako nang kanta. Eto kasi yung kinaadikan ko sa ngayon.




how He loves us - Flyleaf (cover)

Thursday, February 23, 2012

When the Wednesday. . .

First day of ojt 2-22-2012.
I'm so blessed.


First, di ako nalate sa ojt.
akala ko pa naman pangit first day ko, di ko maiwasan mag"worry" sa bus pa lang, pero pinipigilan ko. Wala na din naman kase magagawa yung pagwoworry ko. Ayun nagkaroon ng saysay ang di ko pagwoworry kasi pagdating ko sa shop, SARADO PA! How great is that? Unang blessing pa lang sa araw na to.


Second, yung mga coworkers/coojt ko ay mababait. Tamang tawanan, kulitan (syempre sila muna, tsaka na ko, first day ko lang naman) at biruan. Always smile nga ika nga ni ate este maam edgy? Di ko kasi sure name nya since di ako magaling tumanda nang mga bagay. Kaya ko din sinabing "maam" kasi lahat ng tao dun kahit manager o kahit simpler technician, ay tinatawag na maam o sir. Ngayon lang ako nakaexperience nang ganun kaya isa rin syang blessing. Maganda workplace namin, maluwang, though mainit, pero ayos lang ANG DAMI NAMANG GINAGAWA which is good for me. Much better sakin yun kesa wala akong matutunan. Nakapagformat at troubleshoot ako maghapon, syempre may konting mali dahil unang araw pa lang ako tapos nun pa lang sinabi sakin mga ginagawa. Pero napansin ko, may mga bagay na para sakin madadali lang pero medyo nahirapan silang itroubleshoot, anyway ayoko magcompare kasi magagaling naman talaga sila, may mga bagay lang na mas magaling sila sakin at may mga bagay din naman na mas magaling ako.


Anyway, on the next blessing.


Third, medyo maaga kami pinauwi, 6:30 yata, pero bago kami umalis medyo nagkabonding bonding pa kami nung kaojt ko. Tinuruan nya ako kung pano umuwi ng makakamura ako gamit ang jeep. Nakita ko naman yung sakayan, medyo naligaw at nalito pa ako, but i prayed to Him and He GRANTED it so fast! May dumating na tricycle nangungulit na sumakay na ako kasi last na sakay na daw ako bago sya umuwi, eh di ako nagpapilit tahimik lang ako, pero nung tinanong nya sakin kung saan daw ba ako, tinanong ko rin agad kung saan sakayan ng pacubao (yes pacubao kasi dadaan ng san miguel yun, pwera na lang kung via sctex. Sobrang nakahinga ako nang maluwag kasi nakita ko na pala siya pero di ko lang nilapitan at nagtanong sa mga tao dun, pero ang downside, matagal pala makaalis yung bus dahil may nakapila pa daw sa central terminal which is dapat dun ako makakasakay kung di lang walang jeep na dumaan.


Lastly, ang devotion ko. One of the best and longest na devotion. Sa prayer pa lang grabe iba ang feeling pag kausap mo sya. Lalo na nung binasa ko yung Ezekiel 15. Pinaka nagstrike sakin yung verse na to:


"If it was not useful for anything when it was whole, how much less can it be made into something useful when the fire has burned it and it is charred?"
Tapos sinampal talaga ako ni Lord, ibang klase talaga. SOBRANG BLESSING ang devotion na yun.




Ayun, sobrang daming blessing sa araw na to, pero yan ang mga major blessings na dapat naman talagang ipagpasalamat.
Magiiwan ulit ako nang kanta.


Shout Unto God from Hillsong United. One of my favorite.


Godbless.

Tuesday, February 21, 2012

Genesis. . .

So this is my blog.


Sa ngayon gusto ko lang magpasalamat kay Lord.
Sa tingin ko kase magagamit ko tong blog na ito, para maging "online journal" ko sa pagdedevotion.


Gagawin ko din tong isang pagrerelease ng mga sumasabog at nakakalunod na mga ideya.
Di ko kailangang maging pure english o tagalog mga itatype ko.
Gusto ko lang maging "hobby" ang blog.
Para naman may iba akong paglilibangan kapag wala na ako malaro o kaya nasa ibang computer ako at may internet.


Sa ngayon kinakapa ko pa yung interface ng blogger kaya medyo "plain" lang ang una kong post.
Pero sisiguraduhin ko sa susunod okay na, magiging "apple of the eye" na to sa mga online readers.
Di ko din naman gustong magkaroon ng sobrang daming readers o kaya maging sikat, ang pinakaaim ko nga kasi una maging hobby ko to pangalawa maging online journal at ang huli di ko pa alam.
Pero kung bibigyan ako ni Lord ng mga "right readers"  at kung talagang madami sila, tatanggapin ko.


Naiisip ko ngayon eh ikwento ang love story ko nung high school pero sa susunod na mga post na lang yun.


Dito ko na din tatapusin ang blog ko sa isang kanta ng PINAKAPABORITO kong OPM banda, ang "Paramita" with the song "A Dreamer's Lullaby"


Godspeed.