I'm so blessed.
First, di ako nalate sa ojt.
akala ko pa naman pangit first day ko, di ko maiwasan mag"worry" sa bus pa lang, pero pinipigilan ko. Wala na din naman kase magagawa yung pagwoworry ko. Ayun nagkaroon ng saysay ang di ko pagwoworry kasi pagdating ko sa shop, SARADO PA! How great is that? Unang blessing pa lang sa araw na to.
Second, yung mga coworkers/coojt ko ay mababait. Tamang tawanan, kulitan (syempre sila muna, tsaka na ko, first day ko lang naman) at biruan. Always smile nga ika nga ni ate este maam edgy? Di ko kasi sure name nya since di ako magaling tumanda nang mga bagay. Kaya ko din sinabing "maam" kasi lahat ng tao dun kahit manager o kahit simpler technician, ay tinatawag na maam o sir. Ngayon lang ako nakaexperience nang ganun kaya isa rin syang blessing. Maganda workplace namin, maluwang, though mainit, pero ayos lang ANG DAMI NAMANG GINAGAWA which is good for me. Much better sakin yun kesa wala akong matutunan. Nakapagformat at troubleshoot ako maghapon, syempre may konting mali dahil unang araw pa lang ako tapos nun pa lang sinabi sakin mga ginagawa. Pero napansin ko, may mga bagay na para sakin madadali lang pero medyo nahirapan silang itroubleshoot, anyway ayoko magcompare kasi magagaling naman talaga sila, may mga bagay lang na mas magaling sila sakin at may mga bagay din naman na mas magaling ako.
Anyway, on the next blessing.
Third, medyo maaga kami pinauwi, 6:30 yata, pero bago kami umalis medyo nagkabonding bonding pa kami nung kaojt ko. Tinuruan nya ako kung pano umuwi ng makakamura ako gamit ang jeep. Nakita ko naman yung sakayan, medyo naligaw at nalito pa ako, but i prayed to Him and He GRANTED it so fast! May dumating na tricycle nangungulit na sumakay na ako kasi last na sakay na daw ako bago sya umuwi, eh di ako nagpapilit tahimik lang ako, pero nung tinanong nya sakin kung saan daw ba ako, tinanong ko rin agad kung saan sakayan ng pacubao (yes pacubao kasi dadaan ng san miguel yun, pwera na lang kung via sctex. Sobrang nakahinga ako nang maluwag kasi nakita ko na pala siya pero di ko lang nilapitan at nagtanong sa mga tao dun, pero ang downside, matagal pala makaalis yung bus dahil may nakapila pa daw sa central terminal which is dapat dun ako makakasakay kung di lang walang jeep na dumaan.
Lastly, ang devotion ko. One of the best and longest na devotion. Sa prayer pa lang grabe iba ang feeling pag kausap mo sya. Lalo na nung binasa ko yung Ezekiel 15. Pinaka nagstrike sakin yung verse na to:
"If it was not useful for anything when it was whole, how much less can it be made into something useful when the fire has burned it and it is charred?"Tapos sinampal talaga ako ni Lord, ibang klase talaga. SOBRANG BLESSING ang devotion na yun.
Ayun, sobrang daming blessing sa araw na to, pero yan ang mga major blessings na dapat naman talagang ipagpasalamat.
Magiiwan ulit ako nang kanta.
Shout Unto God from Hillsong United. One of my favorite.
Godbless.
No comments:
Post a Comment