Saturday, September 1, 2012

Isang gabi lang..

Natuwa ako sa isang umaga na dumating..
Pagdating ko sa paborito kong tambayan..
Ang "U-Hub", nakita ko sila paps joems at mga magulang nya na busy'ing-busy.
Pero mali mang isipin ang una ko talagang napansin eh yung pagbabalik ng "Coffee Vendo Machine".
Nakakamiss talaga yung machine na yun.
Actually di lang naman ako yung nakakamiss dun..
Marami din kami actually.

Naisip ko ngayon habang nagtatype ng mga salita sa blog ko..
Kung ang machine nakakamiss, pano pa kaya yung mga kaibigan ko o yung ibang tao?

Pero teka..
Sandali lang..
Di naman to tungkol sa mga namimiss ko.

Una sa lahat..
I got FRIENDZONED..
Actually pangalawa na to this year..

And here the story goes..


Di ako pumasok ng isang subject para lang makapagOJ, tingin ko naman kasi makakahabol ako sa subject na yun kasi sa totoo lang di naman ganun kagaling magturo teacher namin.

Natapos ang Overhaul Jam (OJ), sabi ko kay Jen:
"Jen may meeting ba? Uwi muna ako saglit sa dorm kunin ko lang gamit ko para diretso na maya pauwi."
Pagdating ko sa dorm, gayak agad ng gamit, nagpaalam sa mga kadorm, ta's diretso na sa U-Hub.
Wala sa isip ko na darating siya sa Hub.
Kasi pag pumupunta sya sa Hub eh di pa man nag-i'start e nandoon na sya.
Di na rin ako nagexpect.

Pag pasok ko sa Hub dala-dala ko yung malaki at pula kong bag.
Pagtingin ko sa paligid-ligid nakita ko ang mga kaibigan ko.
Pagbaling ko sa kaliwa parte nang hub, nakita ko sya.
As usual green shirt ang suot nya.
Napansin ko tuloy ang hilig nya sa green.
Pero minsan nagsusuot din sya nang yellow, kaya naconclude ko, pag friday green ang suot nya.
"Hindi pa talaga kita kilala."
Ang tao talaga pag napangunahan ng nararamdaman kung ano ano ang ginagawa.

Mga ilang saglit na pagstay ko sa hub.
Tinignan nya ako, sabay aya sa labas.
First time nya akong ayain sa labas para magusap.
Di ko ineexpect, kasi nga nagkakailangan na nga kami.
Ang bogart ko kasi.
"Nakakahiya ako."
Yan ang nasa isip ko habang nag-uusap kami.
Kasi una sa lahat sya pa unang nag-approach sakin para lang makapagusap kami. *iyak*
Excited pa naman ako sa nangyayari.
Di ako nagpahalata sa sobrang saya na nararamdaman ko.
Nung una akala ko mag-uusap kami tungkol kay Ann gel.
Kasi kasalukuyang may problema sa kanya.
Nagkamali ako. . .

Lalo ako nagkamali nung nung sinabi na nya yung line na:
"Uy miki etong sasabihin ko sayo sana friends pa rin tayo?!"
Pang TV ang line noh?
Kung kayo ang nasa lagay na yun, tingin mo ba maganda ang kalalabasan?

Isang malaking:


In your face!
Matapos nya sabihin yun ang sabi ko na lang sa isip ko:


Aray...
Buti na lang di nya agad sinabi.
Nagkapaliwanagan kami.
Nagtanong sya, pero ako di ko naman yata nagawa magtanong??
Ewan ko. . .

Dami kong narealize sa mga sinabi nya.

Pero isa sa tumatak sa isip ko.
Ang mga sumunod na sinabi nya.
"Nalilito kasi ako sayo."
"Alam mo sayo lang ako nahirapan ng ganito."
Parang "500 Days of Summer" ang dating.
Epic pa naman yung movie na yun.
Napaka-bad kasi ni Zooey e.
Anyway..

The final verdict pa rin naman eh.
"Wag muna at wag na."
Alam ko nakakaiyak ang mga nangyayari pero pinili kong pigilan.
Nakakahiya naman sa kanya di ba?
Tsaka madaming tao sa hub baka mahalata.
Ayaw pa naman nyang malaman ng iba lalo na sa Hub.
I respect her decision.
Tinatanggal ko na rin naman sa isip ko na wag na lang sya.

Nung pauwi na kaming lahat bigla nyang sinabi:
"Oh di ba mas okay yung ganito..."
Wow haaaaaa?
Pero nangiti na lang ako.
Mas mabuti na nga yung ganito.
Malay mo mas maging close pa kami at baka sya pa magkagusto sakin balang araw.

Hmmmm... well di ko naman talaga alam.
Nag-aasume lang po.

As usual may natutunan ako about sa sarili ko at kung pano ako makitungo pag in-love.

Hopefully yung mga naiisip kong perspective sa buhay at yung mga behavior ko eh sana mabago.
Ang hirap din pala pag hinahayaan mong maging routine na lang sa buhay mo ang ugali mo.


Akala ko isang gabi lang ako iiyak.
Ang nangyari e, di ako naiyak!
HAHAHAHAHAHA.

Ayun.
Maraming salamat sa experience na binigay nya.
Syempre maraming salamat kay Lord sa pagsasabi na "NO!"

No comments:

Post a Comment