Sunday, December 30, 2012

Aisaka..

tsss.. ayan na oh. palapit na sya sakin.. pero wala eh.. di nya ako pinapansin. ewan ko pa naman kasi bakit may pain pa din? love pa ba to? oh niloloko lang ako ng puso ko? nakakatawa di ba? okay lang. gusto ko na mawala etong feeling na to. gusto ko ng maging casual yung feeling pag nakikita ko pictures nya. yun nga isang malaking kalokohan sakin, pictures na nga lang nasasaktan na ako. pano kung makita ko siya ng personal? baka di na ako makahinga sa kaba nun? oh parang wala lang. haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.

Monday, December 17, 2012

Erudite.

Erudite daw ako sabi ng libro na: "Divergent"
Search nyo na lang sa net kung ano ba talaga yun! To summarize it all, kung magiging maparaan lang ang tao magiging maayos ang mundo kahi papaano. Maparaan? iba yun sa pagiging matalino. Pede kang maging maparaan kahit di ka matalino. Para sakin mas kailangan natin ngayon ng ganung ugali. Practicality. haaaay ewan ko.. may balaka dapat ako sa post na to eh. anyway bawas bawas drafts lang.

Sunday, November 11, 2012

Confessions



Another great song from a indie band.

I hope ganito mga banda na sumisikat.
*claps* for this band.

Thursday, October 25, 2012

Anastacia Jalos

Lola annie kung sya ay tawagin naming magpipinsan.
Titang naman sa mga matatanda.
Pero kahit ano pa man, di ko malilimutan yung mga energetic na paghohost ng lola ko kapag may reunion.
Yung tipong hinahanap ko sya tuwing uuwi nang san miguel o kaya kapag nagkikita-kita mga kamag-anak.

Alam ko namang di na sya babali physically.
Masakit man pero kailangang bitawan yung pagiging attached mo sa isang tao.
We have to move on.
Si Lord lang naman nakakaalam ng lahat.

Sorry and Thank you lola for being part of our lives.
Si Lord na bahala sayo.
Ayuuun, ayoko na pahabain to.
salamat reader.

Tuesday, October 16, 2012

Melodramatic me.

"Characteristic of melodrama, esp. in being exaggerated, sensationalized, or overemotional"
Yan daw meaning ng word na melodramatic.
Yan din yung nararamdaman ko ngayong gabi.
Para akong maiiyak.
Nakakalungkot.

Okay naman ako kanina e.
Bumabalik na naman yung mga sandali na minsan ayoko ng nauulit.
Di kasi bagay sakin, at kung kilala mo ko magugulat ka na nagiging ganun pala ako.

Samahan mo pa ng bago kong na-discover na band.
Ang Neverending Weekends (https://www.facebook.com/neverendingweekendPH)




Haaaaay. Di ako matatapos nito e. Naging audiophile na naman ako.
GELPEREEN kelan ka darating?
Wag mo naman akong madaliin oh.


Oh syaaaa... Tuloy ko na ginagawa ko!!


Sunday, October 14, 2012

I Love Dorm. Hindi to patatas - POTATOES!


geez.
I'm so GREATFUL na napunta ako sa dorm na to.
Madami akong nakilala.
Madami din naging issue pero *meeh* I don't mind too much.

Pero isa sa naging PINAKA-IMPORTANTENG PANGYAYARI sa buhay college ko... eh yung makilala ko ang mga Kaibigan ko sa dorm.
Mga kaibigan ko na nagpapasaya sakin kapag dyahe sa school.
Nagsimula lang naman ang lahat ng to nung nagpa-"acquantance s*** party" yung dorm eh, napagplanuhan namin ni gerbert na makipagkilala muna bago matulog since acquaintance naman.
Then pinang-front ko si gerbert, we said "hi".
Nakita ko rin naman si vincent(hi vincent kung nagbabasa ka) kaya okay lang sakin na makipagkilala.
Tsaka nakita ko din yung mga brain teaser ko na natutunan sa U-hub na ginagawa nila kaya mas lalo tuloy akong na enganyo
Nagsimula sa mga jokes ni kay.
May the mummy, the mummy returns, at kung ano-ano pa, pero seriously benta naman sakin.
Then it all began na magkakila-kilala na the next day.
Nagsama-sama sa dining area.
pinakilala namin sila mark at jervie then *boom* it became coco crunch este potatoes.











Friday, September 14, 2012

"Excuse me, but my emotions have decided for me."


"excuse me, but my emotions have decided for me."

-natsui haruka of Rich Man, Poor Woman「リッチマン、プアウーマン」


oh craaaap.
hahahahaha.
totally hooked na ako sa palabas na to.






Anyway...
Ang weird lang ng emotions and feelings.
Di ko inaasahan na magkakaroon ng ibang feeling.

Sabi nga madalas, 
"Dumadating yan, kaya wag mo hanapin."
Ang tanong lang na nasa isip ko sa ngayon ay kung bakit di ko makita yung something  na di nakikita ko sa kanya.
Well, sabi ko naman sa sarili ko at sa mga kaibigan ko magiging observant/discover mode muna ako.

Masaya naman ako kahit wala akong ginagawa e.
Why is it so easy to be happy ng dahil lang sa simpleng tingin nya?
Ang sarap naman maging mababaw.
Madaling maging masaya kahit sa simpleng paraang lang.

w00t. Basta, Noodles muna..


Saturday, September 1, 2012

Isang gabi lang..

Natuwa ako sa isang umaga na dumating..
Pagdating ko sa paborito kong tambayan..
Ang "U-Hub", nakita ko sila paps joems at mga magulang nya na busy'ing-busy.
Pero mali mang isipin ang una ko talagang napansin eh yung pagbabalik ng "Coffee Vendo Machine".
Nakakamiss talaga yung machine na yun.
Actually di lang naman ako yung nakakamiss dun..
Marami din kami actually.

Naisip ko ngayon habang nagtatype ng mga salita sa blog ko..
Kung ang machine nakakamiss, pano pa kaya yung mga kaibigan ko o yung ibang tao?

Pero teka..
Sandali lang..
Di naman to tungkol sa mga namimiss ko.

Una sa lahat..
I got FRIENDZONED..
Actually pangalawa na to this year..

And here the story goes..


Di ako pumasok ng isang subject para lang makapagOJ, tingin ko naman kasi makakahabol ako sa subject na yun kasi sa totoo lang di naman ganun kagaling magturo teacher namin.

Natapos ang Overhaul Jam (OJ), sabi ko kay Jen:
"Jen may meeting ba? Uwi muna ako saglit sa dorm kunin ko lang gamit ko para diretso na maya pauwi."
Pagdating ko sa dorm, gayak agad ng gamit, nagpaalam sa mga kadorm, ta's diretso na sa U-Hub.
Wala sa isip ko na darating siya sa Hub.
Kasi pag pumupunta sya sa Hub eh di pa man nag-i'start e nandoon na sya.
Di na rin ako nagexpect.

Pag pasok ko sa Hub dala-dala ko yung malaki at pula kong bag.
Pagtingin ko sa paligid-ligid nakita ko ang mga kaibigan ko.
Pagbaling ko sa kaliwa parte nang hub, nakita ko sya.
As usual green shirt ang suot nya.
Napansin ko tuloy ang hilig nya sa green.
Pero minsan nagsusuot din sya nang yellow, kaya naconclude ko, pag friday green ang suot nya.
"Hindi pa talaga kita kilala."
Ang tao talaga pag napangunahan ng nararamdaman kung ano ano ang ginagawa.

Mga ilang saglit na pagstay ko sa hub.
Tinignan nya ako, sabay aya sa labas.
First time nya akong ayain sa labas para magusap.
Di ko ineexpect, kasi nga nagkakailangan na nga kami.
Ang bogart ko kasi.
"Nakakahiya ako."
Yan ang nasa isip ko habang nag-uusap kami.
Kasi una sa lahat sya pa unang nag-approach sakin para lang makapagusap kami. *iyak*
Excited pa naman ako sa nangyayari.
Di ako nagpahalata sa sobrang saya na nararamdaman ko.
Nung una akala ko mag-uusap kami tungkol kay Ann gel.
Kasi kasalukuyang may problema sa kanya.
Nagkamali ako. . .

Lalo ako nagkamali nung nung sinabi na nya yung line na:
"Uy miki etong sasabihin ko sayo sana friends pa rin tayo?!"
Pang TV ang line noh?
Kung kayo ang nasa lagay na yun, tingin mo ba maganda ang kalalabasan?

Isang malaking:


In your face!
Matapos nya sabihin yun ang sabi ko na lang sa isip ko:


Aray...
Buti na lang di nya agad sinabi.
Nagkapaliwanagan kami.
Nagtanong sya, pero ako di ko naman yata nagawa magtanong??
Ewan ko. . .

Dami kong narealize sa mga sinabi nya.

Pero isa sa tumatak sa isip ko.
Ang mga sumunod na sinabi nya.
"Nalilito kasi ako sayo."
"Alam mo sayo lang ako nahirapan ng ganito."
Parang "500 Days of Summer" ang dating.
Epic pa naman yung movie na yun.
Napaka-bad kasi ni Zooey e.
Anyway..

The final verdict pa rin naman eh.
"Wag muna at wag na."
Alam ko nakakaiyak ang mga nangyayari pero pinili kong pigilan.
Nakakahiya naman sa kanya di ba?
Tsaka madaming tao sa hub baka mahalata.
Ayaw pa naman nyang malaman ng iba lalo na sa Hub.
I respect her decision.
Tinatanggal ko na rin naman sa isip ko na wag na lang sya.

Nung pauwi na kaming lahat bigla nyang sinabi:
"Oh di ba mas okay yung ganito..."
Wow haaaaaa?
Pero nangiti na lang ako.
Mas mabuti na nga yung ganito.
Malay mo mas maging close pa kami at baka sya pa magkagusto sakin balang araw.

Hmmmm... well di ko naman talaga alam.
Nag-aasume lang po.

As usual may natutunan ako about sa sarili ko at kung pano ako makitungo pag in-love.

Hopefully yung mga naiisip kong perspective sa buhay at yung mga behavior ko eh sana mabago.
Ang hirap din pala pag hinahayaan mong maging routine na lang sa buhay mo ang ugali mo.


Akala ko isang gabi lang ako iiyak.
Ang nangyari e, di ako naiyak!
HAHAHAHAHAHA.

Ayun.
Maraming salamat sa experience na binigay nya.
Syempre maraming salamat kay Lord sa pagsasabi na "NO!"

Saturday, August 11, 2012

Saturday, July 28, 2012

Kevin.



Eto si kevin..
Classmate..
Bestfriend..
Partners in crime (sometimes)..
BROTHA...


Pero kahit anong itawag mo dyan, siya pa rin naman si kevin.
[oh eto na kevs yung hinihintay mong post.. (kung binabasa mo nga blog ko.. sasabihin mo sakin na nabasa mo to hahahaha)]

Classmate ko sya nung grade 1, then biglang lumipat, then naging classmate ulet YATA nung grade 2 o 3? tapos lumipat ulit agad..
hanggang sa matino sya sa SMES nung grade 5..

di kami close nung elem..
feeling ko kasi medyo maarte sya nun..
hahaha.. at may angas din (kahit na alam kong mas bata sya sakin)

dumating ang high school..
1st year high school..




(L-R) Marvin, Al, Kevin, Me, Allen
doon nabuo ang masasabi kong "BARKADA"..
kasama don sila allen at al pati na din si marvin..
though mga bata at sooobrang isip bata pa kami nun masasabi kong sila na talaga magiging mga kaibigan ko pagtanda.
which is nangyayari nga..
hahahahaha. =]


madami pa kaming plano para sa barkada..
wag lang sana dumating sa point na magkakaroon ng di pagkakaunawaan..

anyway back to kevin..

ano pa ba?
chickboy din yan..
siya din yung may PINAKAMATAAS na standards pagdating sa babae..

gusto nya maganda.. pagpalagay na nating dyosa? hahahaha.
pero gusto nyan eh yung...
chinita.. maputi.. mas maliit yata sa kanya?.. at syempre sweet..
(lahat naman yata kami yung gusto? ~sweet)

pero ang napupunta sa kanya e..
hindi yang mga traits na yan..

well, ganun naman ata talaga..
yung di pasok sa criteria mo ang napupunta sayo..
*pag tinamaan nga naman*

nakakamiss din yung mga oras na, nagkakatxt kami dahil kay Pae nuon..
mga payong malulupet na bigla ko na lang naiisip..
mga tips and tricks at kung ano ano pa..
hanggang sa magkaroon ng iyakan, may nasaktan, at may naiwan...

naging isa ako sa karamay nya sa mga panahong yan..
mahirap naman talaga kasi yun, SOBRANG mahal mo tapos ano na lang...
biglang aalis? kahit mahal nyo pa isa't-isa?

di ko din naman alam talaga kung sino dehado sa kanilang dalawa..
di ko naman talaga kasi alam ang BUONG istorya..
though nagkekwento si kevin pero syempre iba pa rin yung buo..

hmm..
basta yan si kevin..


(as usual di ko masasabi lahat ngayon... lagi naman eh? kaya puputulin ko na dito..)

BROMANCE! DRE!


Monday, July 23, 2012

Cool.

May nakita akong post sa facebook at sa kasaamang palad di ko na ulit nakita.
Tungkol yung sa rainbow.
"Small Fact" pa nga sabi sa post.
Haay. Nakakalungkot lang, di ko na maalala kung ano yung post na yun..
Pero may nakita akong post sa internet.


"Every person... sees their own "personal" rainbow. When you look at one, you are seeing the light bounced off of certain raindrops, but when the person standing next to you looks at the same rainbow, they may see the light reflecting off other raindrops from a completely different angle. In addition, everyone sees colors differently according to light and how their eyes interpret it."


Parang ganyan din naman kasi yung thought sa post na nakita ko.
Tapos sabi pa nga e pedeng gawing pick-up line yung fact na yun.


AT ETO NA NGA...
sa ilang minutong paghahanap..


Eto yung mismong sinabi sa post..


"Small talk fact: A rainbow is actually light refracted and reflected by millions of tiny raindrops. How you see it depends on where you're looking at it from.
Use when you and the lucky lady see a rainbow.
Make or break follow-up line: "That's also why no one will ever see you the way I do."

Di ko din naman magagamit yan e kasi di naman ako sanay magpick-up lines sa mga babae.
Mabuti na rin siguro para di ako masanay mambola o kung ano mang pang-uuto.

Tuesday, July 10, 2012

Pathway.

w00t.
Nakakatuwa talaga etong font na to.
Feeling ko nagtatype ako sa isang type writer/makinilya.
old school baga.


=]


Anyway, nakakagalak na nababalance ko yung time ko sa paglalaro, pag-aaral, ang ministry ko.
Tunay nga na si Lord lang magaayos ng schedule ko.
Sya na din bahala mag-manage nang oras mo.
Ang gaan at sarap sa pakiramdam.
Wag lang talaga ako magwoworry.
Nakakadala din kasi ang sobrang pag-woworry.
We just need to let God handle our problems kung di na natin kaya.


Nakakatuwa ding isipin at napansin ko din naman na hindi ako masyadong humihingi nang advice ngayon sa mga taong nakapaligid sakin.
Sila pa nga yung humingi sakin o kaya ako pa yung nagbibigay sa kanila nang advices.

Ang dami ko pang gustong ikwento sa aking munting blog.

Nakakamiss din yung magkaroon ng partner/girlfriend.
Iba pa din kasi yung naiibigay nyang companionship e.


Kelan ko kaya sya mami-meet?
Ready na kaya ako?
Eh siya kaya?


Si Lord na bahala dun.


“The Lord will fight for you, and you have only to be silent.” ~Exodus 14:14

Saturday, June 30, 2012

Twenteen.

Oo twenty years old na ako!


twenteen sabi ko nga madalas.
di ko pa din kasi talaga ramdam ang pagiging young adult.
HONESTLY wala rin sa itsura at kilos ko.


I thank you Lord for experiencing this kind of joy.
Kung di Mo ako sinama sa istorya Mo di ako magkakaganito kasaya!
Punong puno nang Joy Lord!


Dami ulet nagdaang events sa buhay ko this week.
Nandyan ang sunud-sunod na birthdays!
Mga brothers and sisters sa U-hub.

Mga new classmates na dahan-dahan ko nang nakikilala.




ANG DAMI DAMIIIIIIIIIIIIIIIIIIII kong gustong sabihin sa post na to.
Pero it's too much to tell.
Alam naman ni Lord kung ano yun.
Kaya I'll just leave you with a smile.







Friday, June 22, 2012

"He" calls me friend.

wheeew... iba pagod ko ngayon?
oh dahil di ako kumain ng 2 meal?
=[ 




Masaya naman ang araw ko..
Pero parang may kulang ulet..


Hindi ko alam kung ano yun?
Pero naisip ko bigla..


Baka I'm asking too much AGAIN.


wheew.
Ang weird.
Ayoko nang ganitong feeling.


Para kasing nababalewala yung happiness at joy na nararamdaman ko sa buong araw kapag dumating yung ganitong feeling.


Sana maging okay na lahat kung ano man tong nararamdaman ko.
hay kanino ko naman kaya sasabihin to.
Sino naman kaya makikinig?


Pray na lang tayo..

Thursday, June 21, 2012

Tsokolate

Thank you Lord!

Ang daming mga nangyari na dapat kong sabihin sa aking blog.

Nandyan yung "Retreat/Training" namin sa Jala-Jala, Rizal.
Sobrang nag-grow ako sa event na yun.
Daming na-realize about sa Gospel and sa Grace ni Lord.
Kasabay na din nito na pagiging anointed bilang Vice Chairman ng U-hub.
Ang laking privelage nun na binigay sakin ni Lord.
Siguro eto na yung time para maging full time worker ako ni Lord.
Hmmm... mahaba-haba pa aking tatahakin na daan para makilala ko si Jesus Christ.

Nagsimula na din ang pasukan.
Another 4-years na manan sabi ko sa sarili ko.
Apat na taong pagsisilbi sa aking utak at damdamin na lagi akong inaalipin.
Mga bagong classmates, room-mates at mga kabataan!!
Yahoo... dito ko na din nabuo ang aking pangarap na maging "Dean's Lister".
Kahit isang beses lang?! o kahit buong yugto nang aking buhay estudyante MULI!
Feeling ko kasi magiging isang achievement sakin yun.
ISANG MALAKING ACHIEVEMENT.
Madami din kasing advantage ang pagiging matalino pero syempre may disadvantage din.
Nandyan yung mga scores na magpapaNGANGA sa mga kaklase mo.
Mga kaklaseng magpapaturo sayo (which is isang kahinaan ko, ang MAGTURO).

"Ang sarap mag-aral."

Yan yung mga salita na bigla-bigla ko na lang nasasabi sa mga kaklase ko.
Naisip ko tuloy, naaasar kaya sila o natutuwa?
Ewan ko.
Basta ang alam ko gusto ko pinag-aaralan ko.
Sana lang pati mga kaklase ko ganun din ang mind-set nila sa buhay nila.
Sana naiisip din nila na di biro sa magulang ang magpa-aral ng isang college student.
Di naman kasi pinupulot ang pera sabi nga nila mami at dadi.
Sa mga nagdaang araw ang ilang pangaral sakin ng magulang ko, ngayon ko lang naisip na. . .
"Oo nga, ang hirap din pala nang ginagawa nila mami at dadi."
Blessed ako kasi di nila ako sinusukuan kahit na makulit at matigas ang ulo ko.

Isa sa GOAL ko ngayong 1st-Year student na ako eh makapag-share nang knowledge na nalalaman ko at na-experience ko.
Feeling ko kasi ang sungit sungit ko!!
Well, wala naman ako magagawa kung talagang wala sa ugali ko ang magturo sa iba.
Ang hirap din kasi magturo lalo na kung di agad naa-absorb ng tinuturuan mo yung tinuturo mo.
Yun kasi yung ayoko. Yun bang ang dali-dali ko lang naintindihan pero sya ilang beses ko nang tinuturan eh ganun pa din.

HAAAAAAAAAAAAAAAY!
Sige na tatapusin ko na.
Salamat ulet.




Saturday, June 16, 2012

Personal Legend

So I finished the book.

"The Alchemist" of Paulo Coelho.

Yep. Okay naman sya.
Ang problema lang, wala ako masyadong narealize.

Kung di pa nya sabihin na yun pala yung gusto nyang parating e di ko pa malalaman.
Siguro di lang talaga ako fond ng pagbabasa nang book.

Naappreciate ko naman nung pinagkatiwala niya sakin yung book.
(hoping na di ko nasira yung book)

Naisip ko bigla...
Ano nga ba "Personal Legend" ko?

Sino kaya ang magiging Fatima ko?
eh yung King?
Crystal Shop Keeper?
eh si Thief kaya?
sama na din natin si Camel Driver.
syempre pati yung Bandit Leader..

ang Alchemist kaya?


hmmmm...

Friday, June 1, 2012

The Alchemist.

So, nagpunta sila allen at kyle dito.
Nood ng movie.
Meryenda.
Naglaro nang Crash Team Racing (via ePSXe)
at natalo din sa Marvel vs Capcom (via winkawaks).
Tawanan.
Reklamo.
Barahan.




Masaya ako.
(nagawa din kasi internet namin at nakakuha ako nang 4mbps hahaha, shhhh!)


Pero..
May isang bagay akong pinagtataka..
Etong libro na to..

Sabi nya kasi,

"Basahin mo to micka, patama din sayo yan!"

Whew.. lalo akong nacurious..
Ano ba istorya nito?

Bakit nya nasabi yun?




Well, isa lang naman sagot, kundi BASAHIN eto.
Eto na lang siguro gagawin ko pag walang internet or pag nasa dorm na ako.

Dorm? oh my, sabi pa nya kasi two day lang nya binasa..
Hala? pano naman ako?



Di naman ako book worm and I'm not fond on reading books.
Madalang lang ako magbasa.




Hay. Kung may bayad ang pag "hay" ko, dami ko nang naipon!
yohohohoho..

Thank you LORD!

Tuesday, May 29, 2012

Hi! Hello there?! and this is Crazy..

Hi guys just want you to know that I have a Youtube account!!
Please do subscribe me and I'll sub back!



Well I do some "Let's Play" on games I've been playing..
Also, I'm planning to make a Vlog (video blog) soon!
www.youtube.com/user/mickaboy3

Wednesday, May 23, 2012

It's Tearing Me Apart.

"Parents."

Di ko na alam kung ano gagawin ko.
I can't who you want me to be.
PLEASE mami and dadi, accept the fact na tamad ako.
Na di ako yung automatic na gusto nyo.

And please, wag nyo namang sabihing wala akong natututunan sa pagbababad ko sa computer.
Alam ko, nababawasan na mga ginagawa ko sa bahay, pero gumagawa naman ako sa bahay ah.
Di nga lang automatic. Di nga lang sa way ng gusto nyo.
Hay. Oo abuso na ako minsan.
Sorry na...

Ang alam ko lang naman gawin eh, umiyak sa harap nyo.
Walang nagbabago. Walang nangyayari.

Matatanggap ko naman mga salita nyo kasi sa ngayon sa inyo pa ako umaasa.

Pero tandaan nyo, once na maging responsible enough na ako.

Tatanungin ko kayo...


KULANG PA BA?

Wednesday, May 16, 2012

Hindrance.

mikz tama na. . .


wala rin namang patutunguhan...




wala ka rin naman ginagawa...




pambihira naman oh...




eh pano kung meron pala..?




tapos magsisisi ka?




pero hindi...




wag na talaga...




wag mo na pilitin...




hayaan mo na...




makakaya mo naman...




sanay ka na din naman bumigay...




sabi nga nang paramita...




"friends forever, I hope that it will remain this way..."

Tuesday, May 15, 2012

[Repost] 9gag 1


*now kiss*

6 - 2 + 1 = 05-15-12

The Blessings.
________________________________________________________
(L-R) Me, Allen, Al, Kyle


Thank you Lord for having friends like THEM.


Finally, natuloy ang swimming namin. Kahit na bawas kami, still, di pa din nawala yung joy at happiness.
Matagal na yung plano na to.
Kaya kahit konti lang kami, tinuloy na namin. Sayang naman kung di itutuloy?
Sayang yung nireserve na araw na para lang sa aming lahat.


Di nakasama sila kevin at marvin.
May duty si kevin at kahit humabol pagod din naman sa byahe.
Si marvin naman kailangang magreview. Di pedeng um-absent.
Okay lang naman samin, we understood. Career nila yun e. Bawal pigilan.


We planned that we will go to Almon Resort.
Dahil nga sa konti lang kami, Allen changed the plan.
Natuloy kami sa Bim's Resort, which is malapit lang sa lugar namin. =]
Sa San Miguel lang actually.
Bago yung resort. Kaya di ako nafrustrate! (ewan ko lang yung iba. . .)


Kim Margarette
So, kaya di rin pedeng hindi matuloy kasi yun lang yung time na makakapunta si Kim Margarette. =] Girlfriend ni Allen. Eto na yung time na mami-meet namin sya. Kaya di na namin pinalampas ang pagkakataon












The Rush.
________________________________________________________


Nang makarating na kami sa resort.
Wow, gulat kami parang ang daming tao.
We expected na konti lang kasi bago lang sya.


Ang dami pa palang kulang. . .
Yelo.
Mineral Water.
Kutsilyo.
Asin.
at si Al.


We decided (actually, Allen decided) na sila Allen at Kim ang bumili nang mga kulang.
Naramdaman ko na parang sinadya niya.
Chance din kasi to para makapagsolo sila Allen at Kim, at syempre pati na rin kami ni Kyle.
Oh my! eto yung mga part na kinikilig ako e. HAHAHAHA.
Yung tipong sasadyain ng kaibigan mo na umalis para maiwan kayong dalawa.


Then it happened, naiwan kaming dalawa ni kyle sa cottage.
Naisip ko bigla, ano kaya paguusapan namin. =]
So I let myself to "go with the flow".
Di ko na maalala kung sino nagsimula nang topic at kung ano topic.
(darn, I'm really bad at recalling; poor brain)
Pero buti wala masyadong dull moments.
Ayaw nya kasi nang tahimik. HAHAHAHA at ayaw ko din naman lalo na kung kakilala ko pa kasama ko.


Eto na naman yung puso ko, bumibilis ang pag pump.
Eto na naman yung feeling.
Eto na naman yung moment na medyo naiilang ako.
Eto na naman. . .


Pero akala ko eto na naman ulit, hindi naman pala.
Nafill namin yung paghihintay sa dalawa (Allen at Kim).
Puro kwentuhan, tawanan, at iba pa.
Nakwento ko yung about sa family ng pinsan ko na kilala nya.
Na ganun pala sila. Na ganun iba pala akala nya.




She Ask.
________________________________________________________




Suddenly, she ask me a question.
Nung una nahihiya pa siya.
Parang di pa daw nya kaya sabihin agad.
Sabi pa nya:
"Wait lang, hahanap na lang ako nang tyempo mamaya."
Sabi ko naman, sige lang.
Open naman ako sa mga questions nya, lalo na sya pa magtatanong.
Mas gusto ko nga yung ako ang tinatanong e. =]
Mas gusto ko tanungin pa nya ako.
Pinilit ko sya na sabihin yung tanong nya.
Bibitinin pa ba nya ko? HAHAHAHA. Wag na. . .
"Sino ba yung sa blog post mo. . ?"
"Aling blog post?" 
"Di ko masyadong maalala eh. Yung true gamer ba yun?" 
"Ah yun ba? Wala yun, ang alam ko random rants lang yun eh? Pero checheck ko na lang mamaya."  
"Ahhh, oh sige." 
 Medyo nataranta ako sa tanong na yun.
Kahit alam kong, okay lang naman na nababasa nya mga blog post ko.
Nahiya ata ako.
Nahiya ako na sabihin kung sino ba yun.
Then we changed topic.
Ilang minutes ang nakalipas, dumatin na din naman sila Allen at Kim.
Kaya natapos na yung time namin.
HAHAHAHA. 
Parang sa computer shop lang a.
"Boss, time na. Extend pa?"
Gusto ko sana mag-extend pero naalala ko, di nga pala to "Computer Shop".




DROP IT!
________________________________________________________


Finally, nang matapos na kaming kumain. Naisip namin na pilitin pa si Al na sumama!
TAGUMPAY naman ang nakamit namin.
Nagpasundo na lang si Al para makasama.


Buti na lang nakasama si Al.
Nadagdagan na pedeng mag-protect kay Kyle.
Ang dami kasing lalaking, bastos makatingin.
Lalaki ako, alam ko kung ano itsura nang iba makatingin.
Naramdaman din naman nila yung ganung feeling.
Para kasing ngayon lang nakakita nang maganda.
Di rin naman namin expected eh.
Nauna sila, at public pool yun.
Ang magagawa na lang namin e ang protektahan sya sa mga bastos na yun.


Pumasok sa isip ko, kung sakaling mapaaway kami okay lang kaya yun?
Di kaya sasama tingin nila/nya sakin?


Habang naghihintay ng tyempo para lumusong sa pool.
Tinitignan ko silang lahat.
Mata sa mata.
Isa-isa.
Di ko na naisip na baka mapaaway ako sa ginagawa ko.
Well, ako din naman kasi yung taong malawak mag-isip pag nakakaramdam ng masamang sitwasyon.
Nagplano ako sa isip.
Kung sakali mang lapitan nila ako o bulungan na:
"Bakit ang sama nang tingin mo ha?!"
Ang sasabihin ko na lang:
"Eh di naman ako sayo nakatingin eh, sa POOL at sa PALIGID."
Unti-unti silang umalis sa lugar nila.
Dahan-dahan silang umiiwas ng tingin kay kyle.
Pero yung iba matindi. Di pa din maiwasan na tumingin.
Syempre, masarap sa pakiramdam na ganun lang ginagawa ko eh effective naman.
Feeling ko nun ang lakas lakas ko. HAHAHAHAHAHAHA.
Di ko man sya maprotektahan physically, at least mentally at emotionally. . .
Tama nga ba?






And then the story goes. . .
________________________________________________________


Asaran, basaan, tulakan, turuan.
Tawanan, dramahan, tinginan.


Ang napaka-saya nang mga sandaling ito.


Langoy dito. Backstroke doon.


Nagtuturuan kami ni Kyle kung sino gustong mauna na magdive/swim from point A to point B. Well, totoo naman yung sabi ko sa kanya na pagod pa ako.
Kahit gusto kong mauna (di rin dahil sa gusto ko din sya kasabay, gusto ko din itry kung kaya ko yung ganung kalayo) eh di ko talaga magagawa.
Sadyang andun yung limit ko.
Tsaka nga, wala akong warm up.
SURE na sasakit binti ko, at mai-spoil ang swimming.
Finally, I convince her na sya na unang gumawa.
Nag-alangan ng konti kasi may mga bastos na lalaki sa kabilang side.
Sabi ko, susundan ko na lang sya hanggang sa kabila.
Baka kasi di nya din kayanin at baka malunod pa sya.


After matapos ng mga nakakapagod na swimming.
Nagpunta muna kami nang cottage para uminom.




Dare. . .
________________________________________________________


Nagrerequest si Kyle nang tubig.
At wala na din kaming tubig, sabi nya manghingi na lang daw kami sa katabi naming cottage.
Walang kumukuha kasi nahihiya lahat.
Pero sabi ni Kim sya na lang daw, pero dapat may reward sya.
Naisip ko, ako na lang sasalo nang reward by doing a dare.
Sinabi ko kay kim na, iinom ako nang kalahating baso nang The Bar pag nakakuha sya nang kalahati o kahit puno na litro nang tubig.
Sa kasamaang palad nagawa nya.
At eto ako, sumasakit ang tiyan.
Kahit na sabi ni Kim na kahit wag ko na gawin tuloy pa din.
Meron din kasi akong gustong iprove sa sarili ko at sa kanila.


Masarap din pala sa pakiramdam yung magawa mo yung dare kahit binabawi na.
Feeling ko nakadagdag sa pagkalalaki ko. WHAAAT? Parang "ULTRA GAY" yung line na yun ah. =[
Anyway basta na-satisfy ko yung iniisip ko that time.
Parang achievement na din. Di rin kasi joke yung inumin mo yung kalahating baso nang the bar at halos isang dangkal yung taas ng baso.
Hindi naman kasi ako manginginom.




Renai Shashin. . .
________________________________________________________


"Pera ni Kyle, camera ni Micka, at pictures namin."
Yan ang sabi ni Allen habang nagaadik na kami magpicture-picture.
Natawa kami sa sinabi nya.
Pano naman kasi puro ako nagdidirect sa camera.
"Gawin mo yan, gawin mo to."
Habang sila Allen naman, pose dito, pose duon.
Halos sila lang laman ng album! HAHAHAHA.
Pero ayos lang, camera eh. Yun naman talaga purpose nun.
Ang kumuha nang mga letrato na pedeng itago. . . balikan. . . at alalahanin.


Ayos, madami akong pedeng titigan na pictures nya.
Walang makakapigil, kahit saan, kahit kailan.
Pero di pa din mawawala sa isip ko na,
kailangan ko pa din maghintay kasi may mali.