Minsan
nakakapagod din pala maging lalake, kahit masaya. Nakakapagod din.
Hindi ko sinasabi na gusto kong maging babae, ngunit minsan nagiging
unfair na ang ikot ng mundo sa aming mga lalake. Porket ba lalake kami
ay walking punching bag na kami pag galit kayo o pag may mens kayo?
Mukha ba kaming tumblr na taga salo ng rants nyo na minsan nakakasakit
pa? Mukha ba kaming Hayop na naturukan ng anesthesia para sabihang
manhid para sabihan ng walang kwenta, manloloko, gago o ano pa mang
masasakit na salita. Hindi naman. Tao lang kami. Pare parehas lang
tayong ginawa ng Diyos so sana magkaroon naman ng equality. Maibalik ang
equilibrium sa mundo at maging pantay ang tingin ng mga tao.
Bilang
lalake, oo tungkulin namin na pagsilbihan kayong mga babae. Likas samin
yan eh. Pinanganak kaming gentleman. Pero hindi naman ibig sabihin na
pag nagoffer kaming bitbitin yung bag nyo eh ibibigay nyo na lahat ng
pinagshopping nyo sa amin. Hindi porket nag offer kaming tumulong sa
assignment nyo ay papagawa nyo na yung thesis nyo samin. Hindi po kami
P.A or hindi kami nagnenegosyo sa recto. Lalaki po kami. Lalaki na
naghahangad ng pagmamahal ng katulad nyong mga babae.
Oo,
alam namin na every month ay may period kayo pero hindi yun dahilan para
gumawa ng away, tas pag gusto nyo makipag ayos ang sasabihin nyo.
"Sorry, may mens kasi ako nun" Seriously? Dahil lang sa monthly
discharge ng mga nagshred na lining ng endometrium ay nagiging super
saiyan na kayo? Oo umiinit ulo nyo pero hindi naman siguro up to the
point na nagsasalubong na yung mga kilay nyo. Reklamo kayo ng reklamo.
Magpapaluto kayo ng pagkain tas pag luto na, Sasabihin nyo ayaw nyo.
Sheez. And Period pains? Try having itchy balls or A day of reckoning
called circumcision followed by a holy week of your own.
Bilang
lalake, hindi lahat ng olbigasyon na samin. Oo, Kami ang nanligaw. Pero
hindi ibig sabihin, kami na lahat. Pag nasaktan ka, hindi ibig sabihin
kami lagi ang may kasalanan. Pag umiyak ka, hindi ibig sabihin kami lagi
ang may kasalanan. Minsan kasalanan niyo din. Pero kaming mga lalaki,
minsan, nilulunok ang pride namin at huminhingi ng Sorry kahit hindi
kami ang may kasalanan.Kesa naman sa lumaki ang gulo dba?
Pero
alam niyo ung nakakaloko? Tinutulad niyo kami sa ibang mga lalaki na
andyan. Hindi naman lahat ng lalaki Manloloko, hindi lahat sasaktan ka,
hindi lahat iiwan at gagamitin ka. Porket ba niloko, sinaktan, iniwan,
ginamit at pinaglaruan ka ng isang lalaki, lahat na ng lalaki pare -
parehas? Kung pare - parehas din naman pala ang lahat ng lalaki, bakit
ka pa hahanap at mahihirapan mag antay ng lalaking mamahalin at
sasagutin mo?
Minsan nga, Babae ang may problema. Alam
niyo kung bakit? Sasabihin niyo na walang nagmamahal sainyo dahil hindi
kayo mahal ng taong mahal niyo, sinasabi niyo na gusto niyo makakita ng
isang lalakeng magmamahal sainyo ng totoo. Hello? Nasa tabi niyo lang
kami. Yung tinatawag niyo na " CLOSE FRIEND " or " BEST FRIEND ". Kung
ako sainyo, Piliin niyo yung lalakeng naging Close sainyo kasi they're
the person who knows you more than other boys do. Sila yung mga tipong
ayaw kayo lokohin kasi alam niya sa sarili niya na kapag ginawa niya
yun, masasayang ung pagmamahal, lalo na yung friendship na rinisk niya.
Minsan nga, nakakapagod maging lalaki kasi kami ung lagi dapat mag
eeffort. Nakakaasar nga eh, Diba dapat babae at lalaki ang gumagawa ng
effort? Kasi at first, lahat ng tao EQUAL, dapat may equal efforts and
equal rights. And alam niyo? Nakakagago pag mas naniniwala kayo sa ibang
tao kesa samin. Hello? Kami ang boyfriend niyo tas sila ang
paniniwalaan niyo? Paano pag sinabi nilang patay na kami? Diba?
Nasa
isang relasyon nga tayo eh, Dapat may tiwala, TIWALA. Oo, sabihin natin
na naakit kami sa mga ibang babae. Napapatingin lang. Pag wala na sila
sa paningin namin, Wala na. Nakalimutan na namin. Pero sainyo parin ang
puso namin, Kayo parin ang mahal namin, kayo ang niligawan namin, hindi
ung babae na nakita namin.
So ano naman kung kiligin kami sa sexy
na katawan ni Megan Fox? or sa Malaking hinaharap ni Jessica Simpson?
Ano naman kung mapasabay kami sa paglakad ng isang babae na dumaan sa
harap namin. Hello?! Yung Apple ba nagagalit pag tinitignan nyo mga
produkto nila? Eh kayo nga kung tumitig kayo sa isang contestant sa
Pinoy big brother, survivor o starstruck eh parang tutunawin nyo na thru
the television eh.
Siguro hanggang dito na lang ako,
masyado mahaba na. Just remember. HINDI LAHAT NG LALAKE PARE - PAREHO.
MAY MGA LALAKING MATITINO, NASA TABI TABI NIYO LANG. SA MGA LUGAR NA
HINDI NIYO INAASAHAN MAKITA.
_______________________________________________________________________________
kuha ko yung mga point nya, that's why i repost this.