Nakuha ko yan sa splash screen ng isa sa favorite kong laro:
MINECRAFT.
| Original Size para makita nyo nang mabuti. |
The truth is, may bumabagabag talaga sa isip ko.
Ilang linggo ko na to iniisip at nararamdaman.
"Yung feeling na nagkakagusto ka sa isang tao pero may gusto ka na sa iba."
Pinipigilan ko sya actually. Naiisip ko na rin naman magiging resulta pag tinuloy ko.
"TOTAL FRIENDZONE!"Nakakatakot.
"Nakakatakot magrisk, baka kasi mawala yung friendship."Isa yan sa mga dahilan nya kaya ayaw nyang mafall sa mga friends nya.
Anyway, para sakin kasi, i'll take that risk pa rin. Kasi gagawa pa rin ako ng paraan at dahilan para maging magkaibigan kami kahit na magFAIL sa isang "more than friends" na relationship.
Pero iba kasi pag sa kanya eh?
Marami na siyang alam, at malalaman pa about relationships.
And sya yata yung tipong naiilang pag nangyari yun?
Tsk, yan ang hirap eh. Kahit kilala mo na nang matagal yung isang tao, di mo pa rin alam yung buo nyang pagkatao.
Parang nawawala na ako sa gusto kong sabihin.
Marahil sa antok na to o dahil sa naguguluhan na ako.
Pano nga kaya gagawin ko?
Kakayanin ko naman maghintay eh.
Tutal wala pa naman akong pangligaw, trabaho muna.
Siguro nga, gagawin ko na lang workaholic buhay ko.
Tsaka ko na aasikasuhin ang buhay pag-ibig.
Pero pero, kung sakaling isasabay ni Lord ang babae para sakin.
Sigurado namang worth ang wait ko.
Tsaka okay lang naman sakin kung mapunta sya sa iba.
Madali namana kong bumitaw sa mga ganung bagay.
Yun na din siguro isa sa maling ugali ko pagdating sa pagibig.
Ang bumitaw agad.
Hay. kahit ilang "hay" pa sabihin ko, wala din naman mangyayari.
Siguro i'll just observe na lang sa mga darating na mga buwan.
Kung talagang okay na, bibigyan naman ako ni Lord ng mga resources.
I'll just wait patiently. . .
No comments:
Post a Comment