Maputi.Medyo matangkad.
Maingay.
Malakas ang boses.
Mahigpit.
Nangugurot at palo.
Nakakatakot pag pasigaw na yung utos sayo.
Mabait pag may bisita.
Mapagtiis.
Masipag.
Masarap magluto.
Malambing.
at may mga ugali na mahirap idescribe.
Pero kahit ganyan si mami, mahal ko yan.
Kahit madalas ako pagalitan dahil sa mga pagkakamali ko, sa di ko pagsunod at sa marami pang dahilan.
Di ko naman siya matitiis eh.
At alam ko di rin nya ako matitiis.
Gusto ko magpasalamat sayo mami.
Gusto kong yakapin ka.
Halik-halikan hanggang sa makulitan ka.
Kahit mga ganyang ways lang kung makakapagpasaya naman sayo yan.
SALAMAT MAMI!
Mahal kita.
Kung may pagkakataon na mapunta tayo sa show ni willie r., iiyak ako at sasabihin kong mahal kita.
Hintayin mo lang ako mami, ako naman ang magbibigay.

No comments:
Post a Comment